Singil ng buwis sa QC hindi magtataas

Pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang maling impormasyon na ipinakakalat ni Anakalusugan Representative Mike Defensor na magtataas ng singil sa buwis sa lungsod.

Ayon kay City Attorney Orlando Casimiro, fake news at panlilinlang ang ginagawa ni Defensor.

Sinabi pa ni Casimiro na ang tinutukoy ni Defensor ay ang pagtataas sa assessed value of properties sa Quezon City at hindi ang land tax rate.

Ikinatwiran pa ni Casimiro na ang tinutukoy ni Defensor ay ang Ordinance Number SP-2556 na ipinasa noong 2016 kung kailan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay vie mayor pa lamang at presiding officer ng Quezon City Council.

Sinabi pa  ni Casimiro na nagpalabas na ng temporary restraining order ang Supreme Court para ipatigil ang implemetasyon ng ordinansa matapos kwestyunin sa katas taasang hukuman noong 2017.

Ayon kay Casimiro, noon pang 2019, nangako na si Belmonte na hindi magtataas ng singil ang kanyang administrasyon sa real property tax.

 

Read more...