Duterte kay PNoy: “Matulog ka na lang”

Duterte5
Inquirer file photo

Hindi pinalampas ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga patama sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang pag-iikot sa Iloilo City ay tinanong ng mga mamamahayag si Duterte kung ano ang masasabi niya sa halos ay araw-araw na pag-atake sa kanya ng Pangulo.

“Wala. Sabihin nyo sa kanya matulog na lang siya, tutal malapit nang matapos ang gobyerno niya”, maikling tugon ni Duterte sa tanong.

Pinayuhan din niya ang Pangulo na ayusin na lang ang kanyang plano sa retirement kesa problemahin pa ang isang kandidato na tulad niya.

Nauna nang sinabi ni Aquino na nanganganib ang bansa sakaling manalo sa halalan si Duterte.

Abala rin ang Pangulo sa pangangampanya kina Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo na halos araw-araw ay kasama niya sa mga nakalipas na linggo.

Ito rin ang dahilan kaya inulan ng batikos ang Pangulong Aquino dahil napapabayaan na niya ang kanyang trabaho.

Read more...