83 lugar sa Metro Manila, naka-granular lockdown – NCRPO

Sa pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila, may 83 lugar pa ring nasa ilalim ng granular lockdown, ayon sa datos mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nabatid na 29 lugar ay sa Quezon City, 25 naman sa Maynila, 17 sa Eastern Metro, 10 sa Southern Metro at dalawa sa Camanava area at ang mga ito ay nasa 53 barangay.

Ayon sa NCRPO, ang mga naka-lockdown na lugar ay binabantayan ng 238 pulis.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Guilllermo Eleazar sa kanyang unit commanders sa Kalakhang Maynila na makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal at alamin kung kinakailangan pa ng karagdagang pulis na magbabantay sa mga nabanggit na lugar.

“We still need to ensure the safety of our people because complacency might cause another surge in Covid-19) cases in NCR,” ayon sa hepe ng pambansang pulisya.

Mula noong Sabado, unang araw nang pag-iral ng Alert Level 3, hanggang October 17, umabot sa 19,014 ang sinita dahil sa paglabag sa mga health protocols, gayundin sa curfew.

Read more...