Legarda, suportado ang pagbabakuna sa general population
Suportado ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa pagbabakuna sa general adult population para maabot ang population protection sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, nanawagan si Legarda kay Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin pa lalo ang healthcare system sa bansa.
Dapat aniyang tiyakin na may sapat na pondo para sa mga de kalidad na pasilidad at kagamitan sa mga ospital, maliban sa pagpapaigting ng medical programs gaya ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations at DOH medical assistance for indigent program.
Matatandaang kabilang si Legarda sa mga personalidad na pasok sa ‘magic 12’ ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Base sa resulta ng survey, nakakuha ang dating senador ng 41 porsyento kung kaya nasa ikalawa hanggang ikaapat na pwesto, tabla kina Sorsogon Governor Chiz Escudero at dating DPWH Secretary Mark Villar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.