4 Chinese citizens patay sa PDEA-AFP operation sa Pampanga, P262-M halaga ng shabu nakumpiska

By Jan Escosio October 18, 2021 - 06:50 PM

PDEA photo

Hindi na nagpahuli ng buhay ang apat na Chinese citizens sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga.

Nabatid na 38 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P265 milyon ang narekober sa operasyon sa Punta Verde Subd., sa Barangay Pulong Cacutod dakong 10:00, Lunes ng umaga (October 18).

Nakilala naman ang mga napatay na sina Cai Ya Bing alias Cai, 29-anyos; Erbo Ke alyas “Payat”, 24-anyos at Huang Guidong, 43-anyos at Wuyuan Shen, 40-anyos.

Nakuha din sa kanila ang apat na kalibre .45 na baril na kanilang ginamit sa pakikipagbarilan sa mga ahente ng PDEA.

Katuwang din sa operasyon ang mga tauhan ng AFP Task Force NOAH, AFP Northern Luzon Command at Bureau of Customs.

TAGS: AFP, Buybust, InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews, AFP, Buybust, InquirerNews, PDEA, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.