‘ELECTION 2022 SERIES: Election amidst the pandemic’ sa OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz-Bernal

Consider me a veteran of National and Local Election coverage since 1992. I am not bragging. Gusto ko lang idiin na lahat na yata ng mukha ng eleksiyon ay nakita ko na.

Nagsimula ako sa media noong 1990. Nagsimula akong makaranas ng election coverage on my second year sa media. Ganun na ako ka-antigo sa mundo ng pamamahayag.

Inilalatag ko lang dito para malinaw na lahat na yata ng uri ng pagsubok sa coverage ng eleksiyon naranasan ko na.

Most of the times sa hotspot o conflict area ako assigned. I wonder why? Kalakip dito ang isang lumang larawan mula sa Sulu.

Sampol?

‘Yun bang tipong may mga kandidatong trip-trip lang na magpaulan ng mortar sa bahay ng bawat isa. Sa bayan ito ha! At ang mortar malapit sa tinutulyan ninyo babagsak. Ang saya ano?

‘Yun bang tipong may malaking tao sa gobyerno na lumapag noon mula sa isang chopper na may mga malalaking duffle bag na pera pala ang laman. Kaya pala may pila ng local officials ng naturang lugar tapos clean elections ang linya niya noong tumakbo sa highest position. Natalo ang kandidatong ito. Sa kangkungan siya dinala ng limpak niyang salapi para sa halalan.

That instance when two of my cameramen Ed De Guzman and Armand Manlangit and I were shoved away at gunpoint in a Northern Luzon province because we were doing a story on a local corruption complaint weeks before the campaign period of that year. Karipas kami ng takbo ah at M-16 ang itinutok!

Eh ‘yung kararating ng ballot boxes noon at escorted pa ng military ha pero wala pang isang oras tapos na ang eleksiyon. May resulta na agad! Ang daming may baril sa lugar at hindi sila sa panig ng gobyerno. Nandun na sila nang dumating kami.

Isa yata ako sa nakapagpakita sa telebisyon years ago ng permit to campaign sa mga NPA controlled areas sa isang probinsiya sa Southern Luzon. May permit din ako kay late Ka Roger Rosal na suyurin ang naturang NPA controlled barangay.

I could recall more but I’ve mentioned enough examples for now. Tama na ang kuda. Puntusan na.

All the previous election years since 1992 offerred distinct challenges, national and local. But there is nothing like the upcoming election of 2022.

It is an election in the midst of the pandemic brought about by COVID-19.

The next election truly demands a leader that could transcend and transform the devastating effects of the pandemic.

Ang totoo wala namang talagang pamahalaan sa mundo ang nakapaghanda sa salot na COVID-19. Pero dito naman pumasok kung paano kumilos strategically ang bawat pamahalaan.

We need a leader that could really uplift us and take us out of this pandemic mess.

Sa porma ng pangangampanya, marami ang magbabago.

Maraming bawal na sa pangangampanya sa darating na eleksiyon because of the pandemic like big gatherings and rallies paano na ang Meeting De Avance?

Sa 2022 Elections, ‘yung mga lumang galawan ng mga nakalipas na halalan, lalabas din yan. Maaaring ibang porma pero vote buying pa rin.

Halimbawa: Ano ang kinalaman ng tatoo sa lokal na halalan? P1,000 at P500 apparently para sa mga nagpa-tatoo na as of this writing, ayon sa aking bubwit (pahiram ng linya Lakay Mayor Deo Macalma ng DZRH) ay hindi pa bayad at may list ha! Dapat magtugma ang nagpa-tatoo sa listahan.

I will use this column on matters about the coming elections.

Expect interviews and actual, validated situation on the ground. Baka may iskup din.

Hanggang dito na muna.

Read more...