Abiso sa mga motorista.
Magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, at Seaoil, may dagdag na P1.50 sa kada litro ng diesel habang P1.80 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Magkakaroon naman ng P1.30 na patong sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.
Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (October 19).
Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Total, Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.
Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.