Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa 941

Nasa 47 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (October 18), 41,311 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 941 ang aktibo pang kaso.

58 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,247 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...