Information campaign drive sa ‘pediatric vaccination’ dapat pag-ibayuhin – ex-Sen. Marcos
Ipinakiusap ni dating Senator Bongbong Marcos Jr., sa gobyerno na paigtingin pa ang pagsasagawa ng information campaign ukol sa pagpapaturok ng COVID 19 vaccine sa mga menor-de-edad.
Ayon kay Marcos kailangan ay mapalagay ang loob at isip ng mga magulang na ligtas ang kanilang anak sa bakuna.
“Yung information drive na kailangan gawin ng ating pamahalaan ay dapat maipaliwanag ulit na yung bakuna ay kailangan na kailangan natin at yung mga binibigay na vaccine ay lahat safe,” sabi nito.
Binanggit nito ang naging isyu sa anti-dengue vaccine, ang Dengvaxia, na aniya ay nagdulot ng matinding pangamba sa mga magulang kayat natatakot ang mga ito na pabakunahan ang kanilang mga anak.
“Lahat ng vaccine ay na-test at milyon na ang nakatanggap niyan. Napakaliit na numero lang ang nagkaroon ng side effect kaya malaking malaking advantage ang magpabakuna,” dagdag pa nito.
Sinimulan na noong nakaraang Biyernes ang pagbakuna ng COVID 19 vaccines sa mga menor-de-edad at inuna na muna ang may comorbidities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.