Bilang ng namatay sa bagyong Maring umakyat sa 40

Lumubo pa sa 40 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Maring sa Luzon at Visayas.

 

Sa datos na inilabas ng Office of Civil Defense, 23 pa lang ang kumpirmadong nasawi dahil sa nagdaang bagyo, samantalang 17 ay kinakailangan pa ng ibayong beripikasyon.

 

May 18 pa ang naiulat sa OCD na nawawala.

 

Sa Ilocos Sur may pinakamaraming naitala na nasawi sa bilang na 14, siyam naman sa Benguet, pito sa Pangasinan, lima sa Palawan at tatlo sa Cagayan.

 

Ang iba pang nasawi ay sa La Union at Ilocos Norte.

 

Tinataya na aabot sa P2.1 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at ang pinakagrabeng tinamaan ay ang Ilocos Region, kung saan P1.4 bilyon ang halaga ng pinsala, samantalang P427 Cordillera Administrative Region.

 

Higit P1 bilyon naman ang pinsala sa imprastraktura at sa Ilocos Region din ang pinamamataas sa higit P900 milyon.

Read more...