TnT Tropang Giga pinataob ang San Miguel, 97 – 79, pasok sa PBA All-Pinoy finals

By Jan Escosio October 17, 2021 - 07:24 PM

 

 

Nag-init ang TnT Tropang Giga sa ikalawang bahagi ng Game 7 ng kanilang semi-final series kontra San Miguel Beermen.

 

Samantalang, tila nagkagulo naman ang opensiba ng San Miguel at pumasok sa Finals ng 2021 PBA Philippine Cup ang TNT.

 

Nag-init ng husto si RR Pogoy sa second half ng laban para makabawi sa kanyang masamang laro noong Game 6.

 

Lumubo pa sa 26 puntos ang lamang ng TnT, 95 – 71, dahil sa opensiba nina Pogoy at Poy Erram.

 

Ito ang ikalawang pagpasok sa Finals ng Tropang Giga at una matapos magbalik sa kanila si coach Chot Reyes.

 

Makakaharap ng TnT ang Magnolia sa best-of-seven finals series.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.