Bagong COVID 19 cases sa Pilipinas mababa sa 7,000

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 6,913 COVID 19 cases ngayon araw ng Linggo.

 

Bunga nito, kabuuang 2,720,368 na ang naitalang COVID 19 cases sa bansa simula noong nakaraang taon.

 

Sa bilang, tatlong porsiyento o 81,641 ang active cases at nagpapagaling sa nakakamatay na sakit.

 

Sa mga aktibong kaso, 82 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms, 5.5 porsiyento naman ang asymptomatic, 7.13 porsiyento ang nasa moderate condition, 3.8 porsiyento ang nakakaranas ng severe symptoms at 1.6 porsiyento ang kritikal.

 

Karagdagang 10,237 naman ang naitalang gumaling para sa kabuuang 2,598,052 o 95.5 porsiyento ng kabuuang bilang ng kaso.

 

May 40,675 na ang namatay sa bansa dahil COVID 19 matapos makapagtala ng panibagong 95.

 

Read more...