Smart-PLDT pinuna ang pagkuha ng foreign endorsers
Insensitive at unsymphatetic.
Ito ang pagsasalarawan ni Probinsiyano Ako Partylist Representative Ronnie Ong sa pagkuha ng Smart – PLDT ng foreign endorsers ng kanilang mga produkto at serbisyo.
Diin ni Ong milyong-milyong piso ang ibinabayad sa mga foreign endorsers gayung maraming Filipino artists ang lubha din naapektuhan ng pandemya.
Ang reaksyon na ito ng mambabatas ay reaksyon niya sa pagkontrata ng pinakamalaking telecommunications company sa bansa ng mga South Korean artists, kabilang na ang BTS na diumano ay binayaran ng $10 million para sa isang commercial.
Bagamat kinikilala ni Ong ang karapatan ng pamunuan ng SMART – PLDT na kumuha ng mag-eendorso ng kanilang mga produkto at serbisyo, mapait sa panlasa ng Filipino nationalists ang ginagawa ng kompaniya.
“We understand the right of local companies to choose whoever they want, endorsing their products but we would like to remind them to choose Filipino first just like we remind our kababayans to choose Filipino products first,” aniya.
Kabilang lamang sa mga kinuha ay sina Hyun Bin, Son Ye Jin, Park Seo Joon, na pawang South Koreans, gayundin sina Chris Evans, Charlize Theron at Gwyneth Paltrow.
Bilang miyembro ng House Committee on the Creative Industry and Performing Acts, isinusulong ni Ong ang ‘Filipino first policy’ para tulungan ang lokal na industriya.
Magina sina Quezon City Rep. Alfred Vargas at Manila Rep. Yul Servo ay mga panukala para matugunan ang kawalan ng suporta ng gobyerno sa mga local talents at producers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.