Senador Bong Go magiging working vice president

By Chona Yu October 16, 2021 - 10:07 AM

Tuloy ang pagbisita ni Senador Bong Go sa mga komunidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para pakinggan ang hinaing ng taong bayan.

Pahayag ito ni Go kahit abala sa pangangampanya sa kandidatura sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

“Opo, pangako ko sa Filipino ‘yan. Bago pa po ako nakaupo bilang Senador, proclamation pa lang… Pagkatapos ng proclamation namin sa PICC, imbes na pumunta po ako sa restaurant para kumain, pumunta po ako sa nasunugan sa Caloocan,” pahayag ni Go matapos ang pamamahagi ng ayuda sa Tagum City, Davao del Norte.

Pangako ni Go, magiging working vice president siya at hindi lamang magiging spare tire ng sino mang uupong pangulo.

“I will be a working public servant po na walang masasayang ni isang minuto, ni isang oras po. Magtatrabaho po ako. Noon pa man hanggang ngayon at magpakailanman, kahit na senador o kahit ano na posisyon, magseserbisyo po ako sa mga kababayan natin,” pahayag ni Go.

Plataporma ni Go, ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pagpatuloy ko ‘yung magagandang programa na inumpisahan ni Pangulong Duterte. Nabanggit ko kanina, campaign against drugs, campaign against corruption in government, campaign against criminality, more (infrastructure) projects… Build, Build, Build. And, of course, economic recovery natin. ‘Yung pagbigay ng trabaho at pagsugpo ng kahirapan at gutom,” pahayag ni Go.

“Bigyan ho natin ng trabaho ‘yung mga nawalan po ng trabaho, ‘yon po unahin natin. Tulungan po natin ang ating mga kababayan na makabangon po. Magsipag, maging productive po… Mga nagsara na negosyo, tulungan rin po natin,” dagdag ng Senador.

Isusulong din ni Go ang  libreng pagpapagamot at libreng edukasyon.

 

TAGS: bong go, spare tire, working vice president, bong go, spare tire, working vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.