Isang milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines dumating sa bansa
By Chona Yu October 16, 2021 - 09:41 AM
Dumating na sa bansa ang isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer.
Ayon sa ulat ng National Task Force Agaianst COVID-19, dumating ang mga bakuna kagabi, October 15 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Binili ng pamahalaan ang mga bakuna.
Agad na ipamamahagi ang mga bakuna sa Manila at Davao.
Sa ngayon, nasa 90 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Inaasahang darating naman mamayang hapon, October 16 ang 720,000 doses ng Sputnik V vaccines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.