Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang oras ng pagpapa-rehistro para sa mga botante sa Metro Manila at ilang piling lugar.
Ayon sa Comelec, sa halip na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, gagawin na ito ng 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi mula October 16 hanggang 23.
Mananatili naman sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang voter registration tuwing araw ng Sabado.
Kabilang sa mga extended ang voter registration Metro Manila; Alcala at San Quintin sa Pangasinan; Tarlac City, Capas at Concepcion sa Tarlac.
Kasama rin sa pinalawig ang oras sa lahat ng munisipalidad ng Quezon; Labo, Camarines Norte; Castilla, Sorosogon; Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu sa Cebu province.
Matatandaan na sa halip noong September 30 ang deadline, pinalawig ng Comelec ang voter registration ng hanggang October 30.