1,151 na kabataan nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot sa 1,151 na kabataan ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang araw ng implementasyon ng pediatric vaccination.
Ayon kay National Task Force Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., naging maayos naman ang unang araw ng pagbabakuna sa mga bata na may comorbidities at nag-eedad 12 hanggang 17 anyos
Isinagawa ang pilot program ng pagbabakuna sa mga bata sa National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center BGC, at Makati Medical Center.
Kabilang sa mga batang babakunahan ay ang mga may comorbidities gaya ng medical complexity, genetic condition, neurologic conditions, metabolic o endocrine diseases, cardiovascular diseases, obesity, HIV Infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, hepatobiliary disease at ang mga immunocompromised.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.