“Naglagay nga kayo ng online registration pero puno na kaya napilitan mag-walk in ang mga OFW para manigurado. Makailang beses na kayong kinontak para maresolbahan agad yan pero dedma sa mga sagot ang reply,” ngitngit ni Marcos sa Comelec.
Pakiusap din niya sa Comelec na payagan na ang walk-in sa mga OFW na nais magparehistro.
“Makisuyo lang, payagan ninyo ang ang mga walk-in na OFW. Remember nagsumikap silang humabol, nag-day off pa ang mga iyan, namasahe para makibahagi sa paparating na eleksyon,” dagdag pa ng senadora.
Paalala lang din ni Marcos na malaki at napakahalaga ng mga naiaambag ng OFWs sa ekonomiya ng bansa kayat nararapat lang aniya na suklian ng pagpapahalaga ng gobyerno ang kanilang mga nagagawa at sakripisyo.