Sen. Marcos, inangal sa Comelec ang hirap sa registration ng OFWs

By Jan Escosio October 15, 2021 - 08:42 PM

Matindi ang naging mensahe ni Senator Imee Marcos sa Commission on Elections (Comelec) ukol sa mga nakarating sa kanyang mga reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) na nais magparehistro para makaboto sa 2022 elections.

“Naglagay nga kayo ng online registration pero puno na kaya napilitan mag-walk in ang mga OFW para manigurado. Makailang beses na kayong kinontak para maresolbahan agad yan pero dedma sa mga sagot ang reply,” ngitngit ni Marcos sa Comelec.

Pakiusap din niya sa Comelec na payagan na ang walk-in sa mga OFW na nais magparehistro.

“Makisuyo lang, payagan ninyo ang ang mga walk-in na OFW. Remember nagsumikap silang humabol, nag-day off pa ang mga iyan, namasahe para makibahagi sa paparating na eleksyon,” dagdag pa ng senadora.

Paalala lang din ni Marcos na malaki at napakahalaga ng mga naiaambag ng OFWs sa ekonomiya ng bansa kayat nararapat lang aniya na suklian ng pagpapahalaga ng gobyerno ang kanilang mga nagagawa at sakripisyo.

TAGS: 2022elections, comelec, ImeeMarcos, InquirerNews, NagparehistroKaNa, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VoterRegistration, 2022elections, comelec, ImeeMarcos, InquirerNews, NagparehistroKaNa, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VoterRegistration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.