Mayoralty candidate sa Cordillera, nakumpiskahan ng P2.2-M halaga ng marijuana

By Jan Escosio October 15, 2021 - 07:37 PM

Kabilang ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa walong nahuli ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na checkpoint sa Sadanga, Mountain Province.

Nabatid na si Sonny Kidit Kalaw ay dating pulis-Maynila at kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Sabangan.

Sakay si Kalaw ng isang Toyota Hi-Ace Grandi (POF 950) kasama ang apat iba pa nang masita sila sa checkpoint sa Barangay Poblacion 7:30 ng umaga noong Miyerkules, October 13.

Nakuha sa kanila ang 19 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.28 milyon.

Bago ito, nahuli din sa checkpoint sa nasabi ring lugar ang tatlong lalaki na may bitbit naman na 148 bricks ng marijuana sa kanilang sinasakyang Nissan Almera.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sonny Kidit Kalaw, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Sonny Kidit Kalaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.