Bilang hakbang para makatulong sa pagsagip ng buhay sa gitna ng pandemya, nakiisa ang port stakeholders, sa pangunguna ng Port Management Office (PMO) ng Agusan, sa blood-letting activity sa Passenger Terminal Building (PTB) ng Port of Nasipit sa Agusan del Norte noong Huwebes, October 14.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), lumahok ang aktibidad ang 39 blood donors mula sa Philippine Ports Authority (PPA), cargo handling operators, shipping lines, at local government unit (LGU) offices.
Nasa 28 bags ng dugo ang nai-donate, 19 mula sa PPA personnel habang siyam naman ang naibigay ng iba pang port stakeholders.
Tugon ang blood donation drive sa panawagan ng Department of Health (DOH) Center for Health Development – Caraga na palakasin ang blood inventory sa rehiyon.
“I commend PMO Agusan for the effort and ask all PPA employees to continue to be a blessing to others. Ang PPA, lagi nating katuwang sa sama-sama at nagkakaisang layunin na mabawasan ang impact ng pandemya. Magsilbi sana kayong inspirasyon sa karamihan para ipakita kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging lingkod-bayan,” pahayag ni DOTr Secretary Art Tugade said.
Ayon naman kay PPA General Manager Jay Santiago, “The stakeholders’ response to the blood donation invitation of PMO Agusan was heart-warming. The turnout of the initiative further strengthens the bond within the port community. Isa itong pagpapakita ng bayanihan. For that, we are truly grateful to all the donors. Salamat po sa inyo.”