Mayor Isko Moreno, Dr. Willie Ong mainit na tinanggap sa Batangas

By Jan Escosio October 15, 2021 - 06:52 PM

Tunay na One Batangas ang ipinakita sa Lipa City na suporta sa tambalang Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong.

Kumpleto ang lahat ng mga lokal na opisyal, mula kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto hanggang sa lahat ng mga alkalde ng lalawigan sa isinagawang convention sa Claro M. Recto Events Center.

Kasama naman nina Moreno at Ong ang kanilang tatlong senatorial candidates, sina Samira Gutoc, Carl Balita at Jopet Sison.

Ayon kay Recto, titiyakin niyang makakapagbigay ang One Batangas ng 750,000 o higit pang boto kina Moreno at Ong.

Sa bahagi naman ni Moreno, sinabi nito na ang anumang nagawa niya sa Maynila sa loob ng tatlong taon kahit pa may pandemya ay magagawa din niya sa iba pang panig ng bansa kapag pinalad na mahalal bilang susunod na pangulo ng bansa.

Sa pagtitipon, iprinisinta kay Moreno ang resolusyon ng Sangguniang Panglungsod na nagdedeklara sa kanya bilang ‘adopted son of Lipa.’

May hiwalay ding resolusyon para sa ‘sisterhood’ ng Maynila at Lipa City bunsod ng pagtulong ni Moreno nang sumabog ang bulkang Taal noong 2020, gayundin sa COVID-19 campaign ng lungsod.

TAGS: 2022elections, InquirerNews, IskoMoreno, Pilipinas, RadyoInquirerNews, WillieOng, 2022elections, InquirerNews, IskoMoreno, Pilipinas, RadyoInquirerNews, WillieOng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.