Kampo ni Binay gagamit ng strategy sa mga huling araw ng kampanya

By Den Macaranas May 05, 2016 - 03:27 PM

Binay campaignIlang araw bago ang eleksyon sa Lunes, sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) President Toby Tiangco na nanatiling buo ang loob ni Vice-President Jejomar Binay.

Inamin ni Tiangco na mas lalo pa nilang pinag-buti ang pangangampanya sa mga lugar na sinasabing balwarte ng kanilang mga kalaban.

Kabilang din sa taktikang ginawa ay ang pakikipag-usap ng tuwiran sa mga botante kasama na ang pagpunta sa mismong bahay ng mga nililigawan nila para sa mga boto.

Sinabi rin ni Tiangco na nananatiling mataas ang pagkakataon ni Binay na manalo sa eleksyon dahil sa suportang ibinibigay sa kanila hindi lamang ng publiko kundi ng mga local officials na kanilang nakaka-usap sa pag-iikot lalo na sa mga lalawigan.

Hindi na rin umano sila nagpapa-apekto sa resulta ng mga surveys kung saan ay naglalaro sa ikatlo at ika-apat na pwesto ang posisyon ng pangalawang pangulo.

Ipinaliwanag ni Tiangco na iba ang nakikita nila sa mga kampanya na siyang kabaliktaran naman ng mga lumulutang ngayon sa surveys.

TAGS: 2016 elections, binay, tiangco, UNA, 2016 elections, binay, tiangco, UNA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.