Truck ban at light truck ban, suspendido pa rin
Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ang truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
‘Until further notice’ ang truck ban bilang suporta sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.
Layon nitong hindi magkaroon ng pagkaantala ang delivery ng cargo, lalo na ang may kargang medical supplies at essential goods, sa gitna ng pandemya.
Samantala, suspendido rin ang pagpapatupad ng uniform light trucks ban na ipinatutupad sa EDSA simula 5:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng gabi at sa Shaw Boulevard mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Paalala naman sa truck drivers, sumunod sa mga regulasyon at manatili sa itinalagang lane upang hindi maging magulo ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.