Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.89 milyon na

Lagpas 4.89 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,897,608 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 741,893.

Sumunod na rito ang Brazil na may 602,201 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 451,847 naman ang death toll sa India habang 283,574 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 220,315
– Peru – 199,775
– Indonesia – 142,848
– United Kingdom – 138,237
– Italy – 131,461
– Colombia – 126,759
– Iran – 123,498
– France – 117,211
– Argentina – 115,633

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 240,403,104 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 217,707,165 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...