Pag-quarantine sa mga fully vaccinated travelers mula sa yellow list countries iniksihan
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang mas maiksing mandatory facility-based quarantine period para sa mga biyaherong fully vaccinated mula sa mga bansang nasa yellow list.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang ng mga ito na sumailalim sa RT-PCR test sa ika-limang araw ng mandatory quarantine.
Kapag nag-negatibo ang resulta, maaring ituloy na lamang sa bahay ang pag-quarantine ng 10 araw.
Samantala, sinabi ni Roque na ang mga foreign travelers mula sa yellow list countries ay kinakailangan na magkaroon na ng pre-booked accommodation ng anim na araw.
Para sa mga biyahero mula saa yellow list countries na unvaccinated o partially vaccinated, kinakailangan nilang sumailalim sa facility-based quarantine hanggat walang negative RT-PCR test sa ika-pitong araw.
Ayon kay Roque ang mga bansang nasa yellow list ay ang mga bansang wala sa red at green list countries.
Sa ngayon, nasa red list ang Romania.
Nasa green list naman ang mga bansang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (Mainland), Comoros, Republic of the Congo, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Gibraltar, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.