Hindi isinasantabi ng Palasyo ng Malakanyang ang posibilidad na maari nang magkaroon ng face-to-face classes sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung patuloy na bababa na ang kaso ng COVID-19 at ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Kahit kasi aniya nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila, maituturing pa ring mataas na antas ito ng classification.
Ganunpaman, may ilan na namang kurso ang nagsasagawa na ng face-to-face classes sa mga kursong may kaugnayan sa health sciences at engineering pero sa mga lugar na mabababa ang kaso ng COVID-19.
Dagdag ni Roque na magiging unti- unti din naman ang pagdaragdag ng kursong magbubukas sa hinaharap na dedepende sa pagbaba pa ng kaso ng virus.
MOST READ
LATEST STORIES