Pope Francis at US President Biden magpupulong sa Vatican

By Chona Yu October 15, 2021 - 09:06 AM

AP

Magkakaroon ng audience si US President Joe Biden kay Pope Francis sa Vatican sa October 29.

Base sa anunsyo ng White House, bibisita si Biden kay Pope Francis bago dumalo sa G20 Summit sa Rome sa October 30 hanggang 31.

Pag-uusapan nina Biden at Pope Francis ang paggalang sa fundamental human dignity kasama na ang COVID-19 pandemic, climate crisis, at pagkalinga sa mga mahihirap.

Si Biden ay isang Katoliko na nagsisimba isang beses sa isang linggo.

Karaniwan ding binabanggit ni Biden sa kanyang mga talumpati ang mga nakasaad sa Bibliya at nagsusuot ng rosaryo sa kaliwang kamay.

Nabatid na ang rosaryong suot ni Biden ay galing sa Basilica of Our Lady of Guadalupe sa Mexico na suot ng kanyang anak na lalaki na si Beau nang mamatay dahil sa brain cancer noong 2015.

 

 

TAGS: G20 summit, pope francis, US President Joe Biden, Vatican, G20 summit, pope francis, US President Joe Biden, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.