Pagbili ng COVID-19 booster shots dapat paghandaan ayon kay Senador Bong Go

By Chona Yu October 15, 2021 - 09:04 AM

Humihirit si Senador Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na paghandaan ang posibleng pagbili ng COVID-19 booster shots.

Ayon kay Go, mayroong P45.4 bilyong pondo sa Unprogrammed Fund para sa pagbili ng COVID-19 vaccine booster shots.

“Bukas po tayo sa posibilidad na sa hinaharap, baka kailanganin nating magbigay ng COVID-19 booster shots upang masigurong protektado ang ating mga kababayan laban sa virus,” pahayag ni Go.

Gayunman, agad na nilinaw ni Go na nanatiling prayoridad ng pamahalaan na siguradong bakunado ang mayorya sa mga Filipino.

“Ngunit prayoridad po natin sa ngayon ang siguruhin munang bakunado ang mga Filipino ayon sa ating vaccine guidelines,” pahayag ni Go.

Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Health at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagbibigay ng posibleng booster shots sa mga healthcare workers.

“Importanteng paghandaan na natin ito. Baka kailanganin natin ng booster lalo na dahil sa mga naglalabasang variants,” pahayag ni Go.

“Dapat din natin masiguro… na may sapat na pondo para sa mga vaccinators dahil tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin hanggang sa susunod na taon. Napansin ko na sa kalagitnaan ng taon naghanap pa sila ng pondo para dito,” dagdag ng Senador.

 

TAGS: COVID-19 booster shots, Senador Bong Go, COVID-19 booster shots, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.