Bagong single ni Adele na “Easy On Me” inilabas na

By Chona Yu October 15, 2021 - 08:31 AM

Matapos ang anim na taong pamamahinga, balik na sa music industry ang sikat na English-singer-songwriter na si Adele.

Ito ay matapos ilabas na sa publiko ang bagong single na “Easy On Me.”

Inilabas ni Adele ang bagong kanta sa kanyang YouTube channel.

Nabatid na ang bagong track ay galing sa kanyang  upcoming album na “30.”

Ilalabas ni Adele ang bagong album sa November 19.

Isang oras matapos ma-upload sa kanyang YouTube channel, halos umabot na sa isang milyon ang views.

Una nang sinabi ni Adele na nagsimula siyang mag-record ng album may tatlong taon na ang nakararaan.

 

TAGS: " 30, Adele, Easy on Me, " 30, Adele, Easy on Me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.