Senatorial line-up ng Robredo – Pangilinan tandem kumpleto na

By Jan Escosio October 14, 2021 - 05:46 PM

Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo na kumpleto na ang kanyang senatorial line-up para sa 2022 elections.

Tumanggi siyang pangalanan ang kanyang ‘senatoriables’ bagamat aniya tatlo ay mula sa Liberal Party at ang iba ay mula sa ibat-ibang sektor na ng lipunan.

Ginawa niya ito sa isang virtual membership meeting ng isang international service organization.

“We have already finalized our slate, I have not been authorized to reveal it first, but after we announce our senatorial slate you will see, our slate is composed of representatives from many different parties,” sabi ni Robredo.

Ito aniya ay patunay ng kanyang hangarin na pag-isahin ang oposisyon.

Sinabi nito na ang pagtakbo niya sa pagka-pangulo bilang independent bagamat siya pa rin ang chairperson ng Liberal Party ay pagpapakita ng pagiging ‘bukas’ para sa lahat.

Base sa mga naglabasang  ulat, kasama na sa line-up sina Sen. Leila de Lima, Atty. Chel Diokno at dating Rep. Teddy Baguilat, gayundin si Akbayan Sen. Risa Hontiveros.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.