Pangulong Duterte, nagbibiro lang nang magbantang tuturukan habang tulog ang mga ayaw magpabakuna vs COVID-19

By Chona Yu October 14, 2021 - 04:20 PM
PCOO photo

Nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang magbanta na tuturukan habang natutulog ang mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, joke lamang ang pahayag ng pangulo na aakyat ng bahay sabay turog habang tulog.

Karaniwan aniyang mahaba ang ‘Talk to the People’ ng Pangulo at ang nakita ng taong bayan noong nakalipas na araw ay kapiraso lamang.

Dahil sa haba aniya ng pagpupulong, hindi maiwasan ng Pangulo na magbiro para hindi makatulog ang mga miyembro ng Gabinete.

Matatandaang sa ‘Talk to the People’, problemado ang Pangulo dahil marami pa rin ang ayaw magpabakuna.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, HarryRoque, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, HarryRoque, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.