Jopet Sison, papalit kay Noli de Castro para tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections

By Chona Yu October 14, 2021 - 03:57 PM

Photo credit: Jopet Sison/Facebook

Papalitan ni Joseph Peter Sison o Jopet Sison si dating Vice President Noli de Castro na una nang umatras sa pagkandidato sa pagka-senador sa 2022 elections.

Ayon sa pahayag ng Aksyon Demokratiko, sasama si Sison sa senatorial line-up ni Manila Mayor Isko Moreno na kakandidatong pangulo ng bansa.

Sumikat si Sison sa kanyang TV program na “Kapag nasa Katwiran, Ipaglaban Mo”.

Katunayan, kasama na si Sison sa panunuyo sa mga botante ni Mayor Isko sa mga botante sa Batangas na isang vote rich country.

Gagawin ni Mayor Isko ang pagbisita sa Batangas sa Biyernes, October 15, sa Claro M. Recto Events Center sa Lipa City, Batangas kasama ang kanyang ka-tandem na si Dr. Willie Ong.

Aabot sa 1.7 milyon ang rehistradong botante sa Batangas.

TAGS: 2022elections, AksyonDemokratiko, InquirerNews, IskoMoreno, JopetSison, Pilipinas, RadyoInquirerNews, 2022elections, AksyonDemokratiko, InquirerNews, IskoMoreno, JopetSison, Pilipinas, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.