Bilang ng Filipino na nakatanggap ng PhilID card, nasa 2.2-M na

By Chona Yu October 14, 2021 - 03:19 PM

Nasa 2.2 milyong Filipino na ang nakatanggap ng Philippine identification card.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rose Bautista na target ng kanilang hanay na mabigyan ng national ID ang 15 milyong katao.

Ayon kay Bautista, 43.2 milyong Filipino ang sumailalim sa step 1 ng pagpaparehistro ng national ID.

Sa naturang bilang, 34.99 milyon ang umabot na sa Step 2 o ang nakunan ng biometrics.

Maari aniyang magparehistro ang mga nagnanais na kumuha ng national ID sa register.philsys.gov.ph

TAGS: InquirerNews, NationalID, PhilIDcard, psa, RadyoInquirerNews, RoseBautista, InquirerNews, NationalID, PhilIDcard, psa, RadyoInquirerNews, RoseBautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.