Pagluluwag sa travel requirements sa mga turista, inihirit
Inihirit ni AP Partylist Rep. Ronnie Ong sa Inter-agency Task Force na alisin na ang quarantine at RT-PCR test requirement para sa mga bakunadong lokal at dayuhang turista na mayroong pre-booked accommodation at pre-arranged itinerary.
Inirekomenda ito ng vice chairman ng House Committee on Tourism kasabay ng pagbubukas ng ilang tourist destination tulad ng Boracay, Coron, El Nido, Siargao, at Cebu.
Nagpapabagal kasi aniya sa pag-angat ng ekonomiya ang mahigpit at mahal na travel requirements.
Para matiyak na properly documented at mababantayan ang mga turista, dapat sertipikado ng Department of Tourism (DOT) ang nakuhang pre-booked accommodations sa mga hotel at lodging houses.
Dagdag nito, fully vaccinated dapat ang lahat ng hotel staff, guides, drivers, at iba pang tourism personnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.