Toby Tiangco, magreretiro na sa pulitika?

By Chona Yu October 14, 2021 - 02:16 PM

Photo credit: Mayor Toby Tiangco/Facebook

Mistulang magreretiro na sa pulitika si Navotas Mayor Tobias ‘Toby’ Tiangco.

Ito ay matapos mabatid sa record ng Commission on Elections (Comelec) na hindi naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa kahit na anong posisyon si Tiangco sa 2022 elections.

Ayon sa dokumento ng Comelec, tatakbong mayor ng Navotas ang kapatid ni Mayor Toby na si Congressman John Rey Tiangco sa ilalim ng Partido Navoteño, ang local political party ng mga Tiangco.

Makakalaban nito sina Gaudencio Manlapaz ng Aksyon Demokratiko at Mario Camacho na tatakbo bilang independent candidate.

Sa pagka-bise alkalde, maglalaban si Tito Morales ng Partido Navoteño, Raymond Emil Cruz ng Aksyon Demokratiko at Freddie Marquez bilang independent candidate habang sa pagka-kongresista naman sina Gil Acupang ng Partido Navoteño at Katherine Ann Cruz ng Aksyon Demokratiko.

Nabatid na marami ang nagulat nang hindi na nagsumite ng COC si Mayor Toby na batid ng lahat na aktibo ito sa pulitika sa loob ng 20 taon.

Nahalal si Mayor Toby, taong 1998 bilang vice mayor ng lungsod at tumakbo at nanalo sa pagka-kongresista taong 2010 hanggang 2019 at humalili naman ang kanyang kapatid na si John Rey.

Simula ng pumutok ang pandemya ng COVID-19, bihira ng makita sa publiko ang opisyal maging sa kanyang opisina sa Navotas City Hall.

TAGS: 2022elections, InquirerNews, Pilipinas, RadyoInquirerNews, TobyTiangco, 2022elections, InquirerNews, Pilipinas, RadyoInquirerNews, TobyTiangco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.