Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (October 14), 41,089 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,073 ang aktibo pang kaso.
139 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 39,894 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 122 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES