Bongbong Marcos una sa street surveys ng vloggers
Pinangunahan ni dating Senator Bongbong Marcos ang ikinasang survey ng mga vloggers sa ilang kalsada sa Metro Manila at Calabarzon.
Ang tinawag na Kalye Surveys ay isinagawa mula Oktubre 1 hanggang nitong nakalipas na Lunes, Oktubre 11 at may 2,137 respondents.
Pinili si Marcos ng 1,307, sumunod sa kanya si Manila Isko Moreno Domagoso (345) at pumangatlo si Vice President Leni Robredo (231).
Nasa ika-apat na puwesto si Sen. Manny Pacquiao (125), Sen. Panfilo Lacson (89), Sen. Ronald dela Rosa (23) at huli si Davao City Mayor Sara na pinili ng 17.
Nabatid na ang tanging tanong sa survey ay kung sino ang kanilang iboboto sa pagka-presidente sa May 9, 2022 elections.
Pag-amin naman ng mga vloggers na ang survey ay hindi magiging pamantayan ng lalabas na resulta sa nalalapit na presidential race.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.