Bawas sa charges ng Meralco, aprubado ng ERC

July 10, 2015 - 06:31 PM

MERALCO/SEPT.8,2014 A Meralco worker inspects electric meters along MICT South Acces Road, Tondo, Manila. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
Inquirer file photo

Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang pagbabawas ng sinisingil na distribution, supply at metering charges ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa ulat ng Inquirer Bandera, mula sa P1.5562 kada kilo Watt hour, ibinaba sa P1.3810 kada kWh ang singil ng Meralco– P1.0114/kWh sa distribution charge P0.2251/kWh sa supply charge at P0.1444 kWh sa Metering Charge.

Ang bagong singil ay mas mababa ng 11.26 porsyento o P0.1752/kWh na average na sinisingil ng Meralco.

Mas mababa ito sa P1.3939/kWh na hiling Meralco na bagong singil.

Bumaba ang singil bunsod ng hiling ng Meralco sa ERC na alisin ang under recoveries na ipinatupad noong Hunyo 2007 hanggang Hunyo 2011. Inalis na rin ng ERC ang P0.0129/kWh na net efficiency fee na ipinatupad noong Hulyo 2011 hanggang Hunyo 2015.

“In so doing, the ERC has ensured that Meralco will not over-collect from its customers for its previous under-recoveries and allowed net efficiency adjustments, while the ERC determines what Meralco’s appropriate rate should be starting the July 2015 billing period,” saad ng pahayag ng ERC.

Ducut-0125-e1393615214452-300x165
Inquirer file photo

Samantala matapos ang nasabing anunsyo, tahimik namang nagbitiw sa kanyang pwesto si ERC Chairperson Zenaida Ducut.

Nagbitiw si Ducut makalipas ang pitong taon sa serbisyo sa ERC na isang quasi-judicial court.

Pero wala pang pahayag sa kung sino ang makakapalit ni Ducut bilang pinuno ng ahensya.

Si ERC Commissioner Alfredo J. Non ang magsisilbing officer-in-charge hanggang may maitalaga ang Malakanyang na bagong ERC Chairperson.

Una ng nabalita na si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jose Vicente B. Salazar ang isa sa tatlong ikinukunsidera ng palasyo na sunod na ERC Chief./ Inquirer Bandera, Len Montaño

TAGS: erc, power rate cut, Radyo Inquirer, zenaida ducut, erc, power rate cut, Radyo Inquirer, zenaida ducut

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.