Point-to-point travel sa mga menor-de-edad, pagbubukas ng mga sinehan uubra sa Alert Level 3
Papayagan ang mga menor-de-edad na makabiyahe sa pag-iral ng Alert Level 3 sa Metro Manila simula sa Sabado, Oktubre 16.
Ngunit agad nilinaw ni Interior Usec. Jonathan Malaya ang pagbiyahe ay ‘point-to-point’ lamang nangangahulugan na mula sa bahay hanggang sa destinasyon lamang.
Nilinaw din ng opisyal na ang mga menor-de-edad ay hindi pa rin maaring magtungo sa mga pampublikong lugar.
Gayundin aniya ang senior citizens maliban na lamang kung sila ay bibili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan o papasok sa trabaho.
Samantala, sa pagbubukas naman din ng mga sinehan, kinakailangan na may isang upuan ang pagitan ng mga manonood ng pelikula.
Ayon kay Malaya sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbabalik-operasyon ng mga sinehan sa ilalim ng Alert Level 3, 30 porsiyento lamang ng kapasidad ng sinehan ang pinapayagan para sa mga ‘fully vaccinated.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.