2 sundalo, 1 pulis timbog sa gun-bust sa Maguindanao

By Jan Escosio October 14, 2021 - 12:53 PM

Arestado ang dalawang sundalo at isang pulis sa buy-bust operation na ikinasa ng lokal na pulisya sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Martes.

Kinilala ang mga naaresto na sina Patrolman Eliver Soverano, nakatalaga sa PNP Crime Lab sa Bangsamoro Administrative Region; Army Staff Sgt. Gleen Sangyao at Sgt. Reynaldo Dichosa II, kapwa tauhan ng Army 6th Infantry Division.

Dalawang sibilyan ang naaresto din sa operasyon.

Nakuha sa kanila ang isang Bushmaster rifle, dalawang Armalite rifle, isang M4 Carbine, dalawang .45 pistols, tatlong .9mm pistols at mga bala.

Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar sasampahan ng mga kasong kriminal ang lima, samantalang mahaharap sa hiwalay na kasong administratibo si Soverano.

Aniya nakikipag-ugnayan na sila sa AFP para palakasin pa ang kampaniya laban sa mga ilegal na armas.

Una na niyang ipinag-utos ang mas agresibong kampaniya laban sa mga ilegal na baril at private armed groups na maaring magamit sa papalapit na eleksyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.