P1,000 Teacher’s Day incentive sinimulan nang ipamahagi ng DepEd

By Jan Escosio October 14, 2021 - 11:52 AM

Noon pang Oktubre 5 sinimulan  ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng P1,000 World Teacher;s Day Incentive Benefit.

Sinabi ni Sec. Leonor Briones kabuuang P910 milyon ang inilaan para sa nabanggit na benepisyo.

Aniya ito ay maliit na paraan para kilalanin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro para maipagpatuloy ang pagbibigay karunungan kahit may pandemya.

Samantala, inamin ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na maaring magkaroon ng pagkaantala sa pagtanggap ng mga guro ng benepisyo.

“Yung iba po, kung magkakaroon man ng delay, it would be probably because of their quarantine status, banking hours, remittance of the cash payment but huwag po silang mag-alala yung October 5 is the start of the giving but the processing, we started as early as August,” sabi ni Sevilla.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.