Namatay sa pananalasa ng bagyong Maring, lumubo sa 30
Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga napa-ulat na namatay sa pananalasa ng bagyong Maring sa Hilagang Luzon.
Ngunit ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC), 19 sa bilang ang kumpirmado na samantalang ang 11 ay bineberipika pa.
Nabatid na 14 sa mga nasawi ay sa Ilocos Sur, siyam sa Benguet, apat sa Palawan, dalawa sa Cagayan at isa sa Pangasinan.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa flashfloods at pagguho ng lupa.
May napa-ulat na 14 pa ang nawawala at tatlo ang nasaktan sa mga insidente bunga ng epekto ng nagdaang bagyo.
Kabuuang 50,040 pamilya o 194,677 indibiduwal sa 673 barangay ang naapektuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.