NCRPO pinaghahanda na sa adjustments sa pag-iral ng Alert Level 3 sa Maynila

By Jan Escosio October 14, 2021 - 10:32 AM

Ipinag-utos na ni PNP Guillermo Eleazar ang pagpapaliwanag sa police operating units ng magiging pagbabago sa guidelines sa pag-iral ng COVID 19 Alert Level 3 sa Metro Manila.

“I have instructed all police unit commanders in Metro Manila to immediately cascade to their men on the field the guidelines for the imposition of Alert Level 3 to avoid any confusion in enforcement from October 16 to 31,” sabi ni Eleazar.

Sinabi niya ang mga police field units sa ibang lugar ay kinakailangan din maipatupad ang tamang guidelines depende sa iiral na quarantine restrictions na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay nito, tiniyak ng hepe ng pambansang pulisya na ang tanging hindi magbabago ay ang mahigpit nilang pagbabantay at pagpapatupad ng minimum health protocols.

Bilin pa nito sa publiko na bumaba man ang COVID 19 alert level o quarantine restrictions, hindi pa rin dapat maging kampante dahil nananatili ang banta ng COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.