6 suspected crime gang members patay sa shootout sa Antipolo City

By Jan Escosio October 14, 2021 - 09:52 AM

Napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad ang anim na sinasabing miyembro ng isang sindikato sa Barangay San Jose sa Antipolo City kaninang madaling araw.

Sa paunang ulat, ala-1:30 nang makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP – Highway Patrol Task Force Limbas at Rizal Provincial Police Office – Intelligence Unit sa bahagi ng Marcos Highway sa Barangay San Jose.

Bago ito, napansin ng mga pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga sakay ng isang brown Kia Rio at isang Honda Mio motorcycle sa Shell Gasoline Station sa Barangay Boso-Boso at kasunod nito ay pinaputukan na ang mga awtoridad.

Nagkaroon ng ‘running gunbattle’ at nalatag na ng ‘roadblock’ ang mga tauhan ng Rizal PPO gayundin ang Antipolo City police sa posibleng dadaanan ng mga suspek.

Nang bumagsak ang motorsiklo ng dalawang suspek, hindi pa rin sumuko ang mga ito at nagpatuloy ang pagpapaputok gayundin ang kanilang apat na kasama na sakay ng kotse.

Sa pagganti ng mga pulis ay napatay ang anim na suspek, samantalang isang pulis ang tinamaan ng bala ngunit suwerte na may suot itong bullet-proof vest.

Hinihinala na ang mga napatay ay kabilang sa grupo na responsable sa mga insidente ng robbery-hold up sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan at Rizal.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga napatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.