May itinutulak si Senator Francis Tolentino na panukala para malaman na agad kung ang isang nais makakuha ng kontrata sa gobyerno ay may kakayahan na maikasa ang proyekto.
Inihain ni Tolentino ang Senate Bill No. 2433 na layon maamyendahan ang Section 53 ng RA 9184 o ang Government Procurement Act.
Aniya may pangangailangan na umayon na sa panahon ang mga probisyon ukol sa ‘negotiated procurement’ at kailangan ay makapagsumite ng mga dokumento ang mga sasaling bidders na magpapatunay sa kanilang kakayahan na makasunod sa itinakdang requirements ng gobyerno.
Puna ng senador hindi malinaw ang guidelines ng RA 9184 sa pagdetermina sa kakayahang pang-pinansiyal ng mga contractors.
Ginawa ito ni Tolentino base sa kanyang mga obserbasyon sa mga isinagawang pagdinig ng Kongreso sa diumanoy ‘overpriced’ COVID 19 medical supplies na binili sa Pharmally Pharmaceutical.
“The pandemic laid bare disparities in our laws, particularly those related to health care, travel, transportation, and procurement,” sabi nito.