Bilyong-bilyong pisong ‘off-budget income’ ng public hospitals ibinunyag ni Sen. Ping Lacson

By Jan Escosio October 14, 2021 - 08:20 AM

Isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson ang bilyong-bilyong pisong off-budget income ng mga pampublikong ospital sa bansa.

Ayon kay Lacson dapat ay hindi na sinisingil o nababawasan ang ibinabayad na ng mga nako-confined sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng gobyerno.

Ginawa ng senador ang pagbubunyag sa pagtalakay ng Senate Committee on Finance sa 2022 budget ng Department of Health (DOH).

“Why would we still charge patients hospitalization fees at a time of pandemic? Should it not be that the amount be used to cushion the suffering of our people who are confined in government hospitals? Hindi ba parang may kaunting konsensya issue rito? We’re not using the budget yet we’re charging patients,” punto ni Lacson kay Health Sec. Francisco Duque III.

Dapat aniya ginagamit ang pondo para matulungan sa gastusin ang mga mahihirap na pasyente na labis pang naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Lacson na higit P448 bilyon ang kinita ng mga pampublikong-ospital ngayon taon, ngunit sa pag-uusisa ni Duque ibinahagi niya na P21.3 bilyon lang ang ‘off-budget incomes’ ng mga ospital dahil nagkamali ang Eastern Visayas Medical Center sa isinumiteng datos.

Gayunpaman, nangako si Duque na aalamin pa rin niya ang isyu sa pagdidiin ni Lacson na kasama ang Pilipinas sa kakaunting bansa na sinisingil pa ang kanilang mamamayan na nako-confined sa mga pampublikong ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.