P6.5M halaga ng ecstasy pills nasabat ng Bureau of Customs

By Jan Escosio October 14, 2021 - 07:58 AM

 

Aabot sa P6.5 milyon ang halaga ng mga ecstasy tablets na nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Sa impormasyon mula sa BOC, itinago ang 3,865 hexagon at skull tablets sa ginawang dalawang bulsa sa package ng mga tarpaulin.

Tinataya na higit sa P6.570 milyon ang halaga ng nakumpiskang ‘party drugs’ na nagmula sa Germany.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga droga para sa ‘profiling’ at paghahanap sa mga nagpasok at tatanggap ng mga ito sa Pilipinas.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang mga matutonton na nagpasok ng mga ito sa bansa.

Magugunita na noong nakaraang linggo, naaresto ang kumuha ng 100 ecstasy tablets na nakalagay lamang sa sobre sa Central Post Office sa Maynila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.