PAGASA: Maulap na may pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayon araw

Epekto ng habagat ang maulap na may pag-ulan na mararanasan na panahon ngayon araw sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA, kasama sa makakaranas ng epekto ng habagat ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, posible ang flashfloods and landslides dahil may kalakasan hanggang s amalakas na buhos ng ulan sa mga nabanggit na rehiyon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng magandang panahon ngunit posible na maging maulap na may kasamang manakanakang pag-ulan.

Samantala, namataan naman ang isang bagyo, na may international codename na ‘Namtheun’ sa layong 3,415 kilometro hilaga-silangan ng Hilagang Luzon.

Read more...