Meralco kinuryente ang Magnolia, TnT nilagok ang San Miguel

By Jan Escosio October 13, 2021 - 09:05 PM

Nagkaroon pa ng pag-asa ang Meralco Bolts na makarating sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Meralco ang Magnolia, 102 – 98, sa Game 5 ng kanilang semi-final series sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Gumawa ng 29 puntos si Allein Maliksi kasama ang dalawang tres sa huling dalawang minuto ng laro, samantalang nakapagtala naman ng career-high na 24 puntos si Nards Pinto.

Higit pang pitong minuto ang natitira sa ika-apat na yugto nang masungkit ni Chris Newsome ang kanyang ika-anim na foul at natuldukan sa 23 puntos ang kanyang nagawa.

Sa kabila naman iniinda na injury gumawa ng siyam na puntos si Raymond Almazan kasama na ang tatlong mahalagang free throws ilang segundo na lang ang natitira.

Samantala, nakabawi ang TnT Tropang Giga sa San Miguel Beermen, 110 – 90.

Walang naisagot ang San Miguel sa pagpapa-ulan ng tres ng TnT hanggang sa umakyat hanggang 28 puntos ang kalamangan at hindi na nakahabol pa ang Beermen.

Kapwa lamang sa serye, 3-2, ang Magnolia at TnT at sa Biyernes ng Game 6 ng magkahiwalay na serye.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.